1 Kaya mataimtim kitang pinagtatagubilinan sa harapan ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay sa kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian.2 Ipangaral mo ang salita, maging handa ka, napapanahon man o hindi napapanahon, ipaunawa mo ang kasalanan, magsaway ka, magsumamo ka ng may pagtitiyaga at pagtuturo3 sapagkat ang panahon ay darating na hindi nila matitiis ang mabuting katuruan, ngunit ayon sa kanilang sariling pagnanasa ay mag-iipon sila ng mga guro para sa kanilang sarili dahil sa kanilang nangangating tainga,