Corinto - hagdan
| Avainsanat | Corinto hagdan |
|---|---|
| Secondary Keywords | hagdan |
| Tertiary Keywords | Kiven kivi Kuva kuva valokuva valokuva valokuva valokuva valokuva valokuva |
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 18:1-18 Gawa 18:1-3 |
Acts 181 At pagkatapos ng mga bagay na ito, nang si Pablo ay umalis mula sa Atenas, siya ay pumunta sa Corinto.2 At natagpuan doon ni Pablo ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila, isang lalaking ipinanganak sa Ponto, na kagagaling pa lamang mula sa Italia kasama ang kaniyang asawang si Priscila. Siya ay pumunta sa kanila (sapagkat iniutos ni Claudio na umalis mula sa Roma ang lahat ng mga Judio).3 At dahil magkatulad ang kanilang hanapbuhay, siya ay nanirahang kasama nila at gumawa. Ang kanilang hanapbuhay ay paggawa ng mga tolda.4 At siya ay nakikipagpaliwanagan sa sinagoga tuwing Sabat at hinihimok ang mga Judio at ang mga Griyego.5 Nang dumating sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, si Pablo ay nagkaroon ng kabigatan sa espiritu at pinapatunayan sa mga Judio na si Jesus ang Cristo.6 Ngunit nang sila mismo ay tumututol at lumalapastangan, ipinagpag niya ang kaniyang mga damit at sinabi sa kanila, “Ang dugo ninyo ay sumainyong ulo. Ako ay walang pananagutan. Mula ngayon ako ay paroroon sa mga Gentil.”7 At nang siya ay nakaalis doon, siya ay pumasok sa bahay ng isang lalaking sumasamba sa Diyos na ang pangalan ay Justo, na ang bahay ay malapit sa sinagoga.8 At si Crispo na pinuno ng sinagoga ay sumampalataya sa Panginoon kasama ng kaniyang buong sambahayan. Marami rin sa mga taga-Corinto ang nakikinig, sila ay sumampalataya at nabawtismuhan.9 Ngunit sinabi ng Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng pangitain sa gabi, “Huwag kang matakot, sa halip ay magsalita ka at huwag kang manahimik,10 sapagkat ako ay kasama mo at walang sinumang sasalakay sa iyo upang ikaw ay saktan dahil marami akong tao sa lungsod na ito.”11 Kaya siya ay nanatili roon ng isang taon at anim na buwan na itinuturo sa kanila ang salita ng Diyos.12 Ngunit nang si Galio ay namumunong gobernador ng Acaya, ang mga Judio ay nagkaisang tumindig laban kay Pablo at siya ay kanilang dinala sa hukuman,13 na sinasabi, “Hinihikayat ng lalaking ito ang mga tao upang sumamba sa Diyos na labag sa Kautusan.”14 Ngunit nang ibinubuka na ni Pablo ang kaniyang bibig, sinabi ni Galio sa mga Judio, “O, mga Judio, kung ito nga ay patungkol sa anumang kapinsalaan o mapanakit na katampalasan, nararapat lamang na pakinggan ko kayo.15 Ngunit kung ito ay pagtatalo patungkol sa salita, sa mga pangalan at sa kautusan na ayon sa inyo, kayo ang sisiyasat nito sa inyong mga sarili sapagkat hindi ko hinahangad na maging tagapaghatol ng mga bagay na ito.”16 Kaya sila ay kaniyang pinaalis mula sa hukuman.17 Nang nadakip ng lahat ng mga Griyego si Sostenes na pinuno ng sinagoga, siya ay pinagpapalo nila sa harapan ng hukuman, ngunit hindi nakialam si Galio sa mga bagay na ito.18 Ngunit si Pablo ay nanatili pa roon ng ilang araw. Pagkatapos niyang magpaalam sa mga kapatid, siya ay naglayag patungong Siria kasama sina Priscila at Aquila. Doon sa Cencrea, ginupit niya ang buhok sa kaniyang ulo dahil siya ay may panata. Acts 181 At pagkatapos ng mga bagay na ito, nang si Pablo ay umalis mula sa Atenas, siya ay pumunta sa Corinto.2 At natagpuan doon ni Pablo ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila, isang lalaking ipinanganak sa Ponto, na kagagaling pa lamang mula sa Italia kasama ang kaniyang asawang si Priscila. Siya ay pumunta sa kanila (sapagkat iniutos ni Claudio na umalis mula sa Roma ang lahat ng mga Judio).3 At dahil magkatulad ang kanilang hanapbuhay, siya ay nanirahang kasama nila at gumawa. Ang kanilang hanapbuhay ay paggawa ng mga tolda. | |








