1 May isang lalaki sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio. Siya ay senturion ng tinatawag na batalyon ng mga taga-Italia,2 isang taong sumasamba at may takot sa Diyos kasama ang kaniyang buong sambahayan, gumagawa ng maraming pamamahagi sa mga nangangailangan at patuloy na nananalangin sa Diyos.