Cornelius rukoilee
| Secondary Keywords | Cornelius dasal kasaysayan nanalangin Naniniwala pahimakas Samaria simbahan Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 10 |
Acts 101 May isang lalaki sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio. Siya ay senturion ng tinatawag na batalyon ng mga taga-Italia,2 isang taong sumasamba at may takot sa Diyos kasama ang kaniyang buong sambahayan, gumagawa ng maraming pamamahagi sa mga nangangailangan at patuloy na nananalangin sa Diyos.3 Nang mag-ikasiyam na ang oras, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Cornelio!”4 At nang siya ay tinitigan ng anghel, siya ay natakot at sinabi, “Ano iyon, Panginoon?” At sinabi ng anghel sa kaniya, “Ang iyong mga panalangin at mga pamamahagi sa mga nangangailangan ay pumaitaas bilang alaala sa harap ng Diyos.5 Magsugo ka ng mga tao ngayon sa Jopa at ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro.6 Siya ay nanunuluyang kasama ni Simon na mangungulti ng balat ng hayop. Ang kaniyang bahay ay nasa tabing dagat. Siya ang magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”7 At nang umalis na ang anghel na nagsasalita kay Cornelio, tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga kasambahay at ng isang matapat na kawal mula sa kanila na patuloy na naglilingkod sa kaniya.8 Pagkatapos niyang isalaysay sa kanila ang lahat ng mga bagay na ito, sila ay isinugo niya sa Jopa.9 Kinabukasan, habang sila ay naglalakbay at papalapit na sa lungsod, si Pedro ay umakyat sa bubungan ng bahay upang manalangin nang mag-ikaanim na ang oras.10 At siya ay lubhang nagutom at ibig na niyang kumain. Ngunit habang sila ay naghahanda, dumating siya sa kalagayang parang nangangarap.11 At nakita niyang nabuksan ang langit at bumababa sa kaniya ang isang sisidlan kagaya ng isang malapad na kumot na nakabuhol ang apat na sulok at ibinababa sa lupa,12 kung saan naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop sa lupa na may apat na paa, ang mga mababangis na hayop, ang mga hayop na gumagapang at ang mga ibon sa himpapawid.13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, “Tumindig ka Pedro, kumatay ka at kumain ka!”14 Ngunit sinabi ni Pedro, “Hindi maaari, Panginoon! Sapagkat kailanman ay hindi pa ako kumain ng anumang bagay na karaniwan o marumi.”15 At muling nagsalita sa kaniya ang tinig sa ikalawang pagkakataon, “Ang nilinis ng Diyos ay huwag mong ituring na marumi.”16 At ito ay nangyari ng tatlong ulit at muling hinatak sa langit ang sisidlan.17 Habang naguguluhan si Pedro kung ano ang kahulugan ng pangitain na nakita niya, narito, nakatayo sa tarangkahan ang mga taong sinugo ni Cornelio na nagtatanong kung saan ang bahay ni Simon.18 At sila ay tumawag at nagtanong kung si Simon na tinatawag na Pedro ay nanunuluyan doon.19 Habang iniisip ni Pedro ang patungkol sa pangitain, sinabi sa kaniya ng Espiritu, “Narito, hinahanap ka ng tatlong lalaki.20 Kaya tumindig ka at bumaba ka at sumama ka sa kanila nang walang pag-aalinlangan dahil ako ang nagsugo sa kanila.”21 Kaya bumaba si Pedro papunta sa mga lalaking sinugo ni Cornelio sa kaniya at sinabi, “Narito, ako ang hinahanap ninyo. Ano ang dahilan bakit kayo ay nandito?”22 Sinabi nila, “Si Cornelio na senturion, isang taong matuwid at may takot sa Diyos na may mabuting patotoo sa buong bansa ng mga Judio, ay pinagtagubilinan ng Diyos sa pamamagitan ng isang banal na anghel upang papuntahin ka sa kaniyang bahay at makinig siya ng mga salita mula sa iyo.”23 Kaya sila ay tinawag niya at kaniyang pinatuloy. Kinabukasan, si Pedro ay umalis na kasama nila, at ang ilang mga kapatid mula sa Jopa ay sumama sa kaniya.24 Kinabukasan, sila ay dumating sa Cesarea. Ngunit habang naghihintay si Cornelio sa kanila, tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at matalik na mga kaibigan.25 At nangyari, na sa pagpasok ni Pedro, siya ay sinalubong ni Cornelio at nagpatirapa sa kaniyang paanan at sinamba siya.26 Ngunit itinindig siya ni Pedro na sinasabi, “Tumayo ka, ako ay tao rin naman.”27 At habang nagsasalita siya sa kaniya, siya ay pumasok at nakita niyang marami ang nagkatipun-tipon.28 Sinabi niya sa kanila, “Nauunawaan ninyo na hindi ipinapahintulot sa lalaking Judio na makisama o lumapit sa isang banyaga. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na huwag sabihing karaniwan o marumi ang sinumang tao.29 At dahil dito, pumarito akong walang pagtutol nang ako ay ipinasundo mo. Kaya tinatanong ko kung anong dahilan na ako ay ipinasundo ninyo?”30 At sinabi ni Cornelio, “Apat na araw na ang nakalipas hanggang sa oras na ito na ako ay nag-aayuno, at sa ikasiyam na oras habang ako ay nananalangin sa loob ng aking bahay, narito, isang lalaki ang tumindig sa harapan ko na may maningning na damit.31 At sinabi niya, ‘Cornelio, dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamamahagi sa mga nangangailangan ay inalala sa paningin ng Diyos.32 Kaya magsugo ka sa Jopa at ipatawag mo si Simon na tinatawag na Pedro. Siya ay nanunuluyan sa bahay ni Simon, na mangungulti ng balat ng hayop, na nasa tabing dagat. Pagdating niya, siya ay magsasalita sa iyo.’33 Dahil dito, kaagad kitang ipinasundo at mabuti ang ginawa mong pagparito. Kaya ngayon, kaming lahat ay naririto sa paningin ng Diyos upang pakinggan ang lahat ng mga bagay na naiutos na sa iyo ng Diyos.”34 Kaya ibinuka ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, “Totoong naunawaan ko na ang Diyos ay hindi nagtatangi ng mga tao.35 Subalit sa bawat bansa, ang taong may takot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay katanggap-tanggap sa kaniya.36 Ang salita na ipinadala ng Diyos sa mga anak ni Israel, na naghahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, siya ang Panginoon ng lahat.37 Alam na ninyo na ang salitang iyon ay naganap sa buong Judea, simula sa Galilea, pagkatapos ng bawtismong ipinangaral ni Juan,38 kung paanong si Jesus na taga-Nazaret ay pinahiran ng langis ng Diyos, ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Siya ay naglibot na gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo sapagkat ang Diyos ay sumasakaniya.39 At kami ay mga saksi sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Siya ay kanilang pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kahoy.40 Ang Diyos ang siyang nagbangon sa kaniya sa ikatlong araw, at siya ay pinahintulutang mahayag,41 hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa mga saksi na nahirang na ng Diyos nang una, sa amin na mga kasalo niyang kumain at uminom pagkatapos niyang bumangon mula sa mga patay.42 At iniutos niya sa amin na mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga nabubuhay at ng mga patay.43 Siya ang pinapatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawat sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”44 Habang sinasabi pa ni Pedro ang mga salitang ito, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kanilang lahat na nakikinig ng salita.45 At namangha ang lahat ng mga mananampalatayang nasa pagtutuli, sinuman ang sumama kay Pedro, sapagkat ibinuhos din sa mga Gentil ang kaloob ng Banal na Espiritu46 dahil ang mga ito ay narinig nilang nagsasalita ng mga wika at nagpupuri sa Diyos. Kaya si Pedro ay sumagot,47 “Sino ang makapagbabawal sa tubig upang hindi mabawtismuhan ang sinuman sa mga ito na tumanggap ng Banal na Espiritu katulad din natin?”48 At iniutos niya sa kanila na sila ay bawtismuhan sa pangalan ng Panginoon. Pagkatapos nito ay hiniling nila sa kaniya na siya ay manatili ng mga ilang araw. | |








