Paholaisen nuhteet
| Avainsanat | Lusiper maglaro satanas |
|---|---|
| Secondary Keywords | Black & white demonyo itim at puti laro |
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 4 |
Matthew 41 Pagkatapos nito, si Jesus ay dinala ng Banal na Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.2 At pagkatapos niyang makapag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.3 At nang dumating sa kaniya ang manunukso ay sinabi nito, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.”4 Ngunit si Jesus ay sumagot na nagsasabi, “Ito ang nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ ” Deu 8:35 Pagkatapos nito, siya ay dinala ng diyablo sa banal na lungsod at siya ay pinatayo sa taluktok ng templo6 at sinabi niya sa kaniya, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sapagkat ito ang nasusulat, ‘Uutusan niya ang kaniyang mga anghel para sa iyo’ at ‘bubuhatin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tatama sa bato ang iyong paa.’ ” Awi 91:11-127 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Muli, ito ang nasusulat, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Deu 6:168 Siya ay muling dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng sanlibutan at ang kaluwalhatian ng mga ito,9 at sinabi niya sa kaniya, “Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo kung ikaw ay magpatirapa at sasamba sa akin.”10 Pagkatapos nito, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Satanas, lumayo ka! Sapagkat ito ang nasusulat, ‘Sasambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ” Deu 6:1311 Pagkatapos nito, siya ay iniwan ng diyablo, at narito, lumapit ang mga anghel at pinaglingkuran siya.12 Ngunit nang narinig ni Jesus na si Juan ay nabilanggo, siya ay umalis patungo sa Galilea.13 At nang siya ay umalis sa Nazaret, siya ay pumunta at nanirahan sa Capernaum na nasa tabi ng dagat, sa may hangganan ng Zebulon at Neftali14 upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias na sinasabi,15 “Ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng Neftali, sa daanan sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil:16 Ang mga taong nananahan sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag, at sa kanila na nananahan sa lalawigan at sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.” Isa 9:1-217 Mula sa panahong iyon, si Jesus ay nagsimulang magpahayag at magsabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.”18 At habang si Jesus ay naglalakad sa tabi ng dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid na sina Simon na tinatawag na Pedro at Andres na kaniyang kapatid, na naghahagis ng lambat sa dagat dahil sila ay mga mangingisda.19 Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.”20 Kaya kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.21 At habang siya ay naglalakad mula roon, nakita niya sa bangka ang dalawa pang magkapatid, sina Santiago na anak ni Zebedeo at Juan na kaniyang kapatid, kasama ang kanilang amang si Zebedeo. Sila ay naghahayuma ng kanilang mga lambat. Sila ay tinawag ni Jesus.22 Kaya kaagad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sila ay sumunod sa kaniya.23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at ipinapahayag ang ebanghelyo ng paghahari at pinapagaling ang bawat uri ng sakit at bawat uri ng karamdaman ng tao.24 At ang ulat patungkol sa kaniya ay lumaganap sa buong Siria kaya dinala nila sa kaniya ang lahat ng mga mayroong iba't ibang malubhang sakit at mga pinahihirapan ng mga karamdaman at yaong mga inaalihan ng mga demonyo at yaong mga epileptiko at mga paralitiko, at silang lahat ay pinagaling niya.25 At sumunod sa kaniya ang lubhang napakaraming tao na nagmula sa Galilea at sa Decapolis at sa Jerusalem at sa Judea at sa kabilang ibayo ng Jordan. | |








