21 na nagpapasakop sa isa't isa sa pagkatakot sa Diyos.22 Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong mga asawa kagaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon,23 sapagkat ang asawang lalaki ay ang ulo ng asawang babae, katulad ni Cristo na ulo ng iglesiya at siya ang Tagapagligtas ng katawan.24 Subalit kung paanong ang iglesiya ay nagpapasakop kay Cristo, gayundin, ang mga asawang babae ay magpasakop sa ganitong paraan sa kanilang sariling asawa sa lahat ng mga bagay.25 Mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyong mga asawa katulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesiya at ipinagkaloob ang kaniyang sarili alang-alang dito,26 upang kaniyang mapaging-banal ito at nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita.27 At upang maiharap niya ang iglesiya sa kaniyang sarili na isang marilag na iglesiya, walang batik, kulubot, o anumang mga gayong bagay kundi maging banal at walang kapintasan.28 Sa gayong paraan dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawa katulad ng kanilang sariling katawan. Siya na umiibig sa kaniyang asawa ay umiibig sa kaniyang sarili29 sapagkat wala pang sinuman ang namuhi sa kaniyang sariling katawan kundi inaalagaan at minamahal niya ito katulad ng ginagawa ng Panginoon sa iglesiya30 dahil tayo ay bahagi ng kaniyang katawan, mula sa kaniyang laman at mula sa kaniyang mga buto.31 “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina, at makikipag-isa sa kaniyang asawa at ang dalawa ay magiging isang laman.” Gen 2:2432 Ito ay dakilang hiwaga, ngunit nagsasalita ako patungkol kay Cristo at sa iglesiya.33 Gayunpaman, ibigin ng bawat isa sa inyo ang kaniyang asawang babae katulad sa kaniyang sarili upang maigalang ng asawang babae ang kaniyang asawa.