10 At nang maalaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya'y pumasok sa kaniyang bahay (ang kaniya ngang mga dungawan ay bukas sa dakong Jerusalem); at siya'y lumuhod ng kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw, at dumalangin, at nagpasalamat sa harap ng kaniyang Dios, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
Luke 14
26 “Kung ang sinuman ay pumarito sa akin at hindi namumuhi sa kaniyang ama at ina at asawang babae at mga anak at mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, kahit sa sarili niyang buhay ay hindi niya kakayaning maging alagad ko.
Philippians 4
6 Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, sa halip, sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at ng paghiling na may pasasalamat ay ipagbigay-alam ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan,
Psalm 55
17 Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig.
Psalm 5
7 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
Psalm 86
3 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.