10 At nang maalaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya'y pumasok sa kaniyang bahay (ang kaniya ngang mga dungawan ay bukas sa dakong Jerusalem); at siya'y lumuhod ng kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw, at dumalangin, at nagpasalamat sa harap ng kaniyang Dios, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
Philippians 4
6 Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, sa halip, sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at ng paghiling na may pasasalamat ay ipagbigay-alam ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan,