9 At pagsabi niya ng mga bagay na ito, habang siya ay pinagmamasdan nila, siya ay dinala paitaas at ikinubli siya ng ulap mula sa kanilang paningin.10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila.11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.”
John 16
5 “Subalit ngayon ay pupunta ako sa kaniya na nagsugo sa akin at walang sinuman sa inyo ang nagtatanong sa akin, ‘Saan ka pupunta?’6 Dahil sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, napuno ng pagdadalamhati ang inyong mga puso.7 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, makakabuti sa inyo na ako ay umalis sapagkat kung hindi ako aalis, ang Mang-aaliw ay hindi darating sa inyo. Kapag ako ay nakaalis, susuguin ko siya sa inyo.8 Pagdating niya ay kaniyang uusigin ang sangkatauhan patungkol sa kasalanan, patungkol sa katuwiran at patungkol sa kahatulan:9 patungkol sa kasalanan sapagkat hindi sila sumasampalataya sa akin;10 patungkol sa katuwiran sapagkat ako ay pumupunta sa aking Ama at hindi na ninyo ako nakikita;11 patungkol sa kahatulan sapagkat ang prinsipe ng sanlibutang ito ay nahatulan na.12 “Marami pa akong sasabihin sa inyo ngunit hindi ninyo ito kayang batahin sa ngayon.13 Gayunpaman, sa pagdating ng Espiritu ng Katotohanan, kayo ay papatnubayan niya sa lahat ng katotohanan sapagkat hindi siya magsasalita ng patungkol sa kaniyang sarili. Ngunit ang lahat na kaniyang narinig ay kaniyang sasabihin at ang mga bagay na darating ay kaniyang ipapahayag sa inyo.14 Ako ay luluwalhatiin niya sapagkat tatanggapin niya ito mula sa akin at ipapahayag sa inyo.15 Ang lahat ng mga bagay na mayroon ang Ama ay akin. Dahil dito, sinabi ko na tatanggapin niya ito mula sa akin at ipapahayag sa inyo.16 Sa sandaling panahon, at hindi na ninyo ako makikita. Muli, sa sandaling panahon, at ako ay makikita ninyo sapagkat ako ay pupunta sa Ama.”
Luke 24
50 At sila ay dinala ni Jesus hanggang sa Betania, at habang nakataas ang kaniyang mga kamay, sila ay kaniyang pinagpala.51 At nangyari na habang sila ay pinagpapala niya, siya ay humiwalay sa kanila at siya ay dinalang paitaas sa langit.52 At pagkatapos nilang sumamba sa kaniya, sila ay bumalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan.53 At sila ay nagpatuloy sa pagpupuri at sa pagbibigay lugod sa Diyos sa loob ng templo. Siya nawa!