1 Nang sila ay malapit na sa Jerusalem at dumating sa Betfage, patungo sa bundok ng mga Olibo, sa oras na iyon, si Jesus ay nagsugo ng dalawang alagad2 na sinasabi sa kanila, “Pumaroon kayo sa nayon na nasa unahan ninyo at kayo ay makakatagpo kaagad ng isang nakataling asno na may kasamang isang bisiro. Kalagan sila at dalhin ninyo sa akin.3 At kapag may magsabi sa inyo ng anuman, ito ang sasabihin ninyo, ‘Kailangan sila ng Panginoon’ at sila ay kaagad niyang ipapadala.”