Kristillisen sodankäynti
| Secondary Keywords | beses biblia kristiyano pagtuturo tatalakayin |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Ephesians 61 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon dahil ito ay matuwid. 2 “Igalang ninyo ang inyong ama at ina,” Exo 20:12; Deu 5:16 (ito ang unang utos na may pangako) 3 “upang ito ay makabuti sa inyo at kayo ay mamuhay nang matagal sa lupa.” Exo 20:12; Deu 5:16 4 Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa poot ang inyong mga anak, sa halip ay alagaan ninyo sila sa pagsasanay at sa turo ng Panginoon. 5 Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga panginoon ayon sa laman nang may pagkatakot at panginginig, sa katapatan ng inyong mga puso, katulad ng kay Cristo; 6 hindi sa paglilingkod kung may nakatingin sa inyo, kundi bilang mga alipin ni Cristo na gumagawa ng kalooban ng Diyos mula sa inyong kaluluwa 7 na may mabuting kalooban na naglilingkod sa Panginoon at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyo na ang bawat isa na nakakagawa ng anumang mabuti, siya ay tatanggap ng gayundin mula sa Panginoon, kahit siya ay alipin o malaya. 9 Mga panginoon, gawin ninyo ang gayunding mga bagay sa kanila. Itigil ninyo ang pagbabanta dahil nalalaman ninyo na ang inyong Panginoon din ay nasa kalangitan at siya ay hindi nagtatangi ng mga tao. 10 Sa katapusan, mga kapatid, magpakatibay kayo sa Panginoon at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. 11 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa mga lalang ng diyablo. 12 Sapagkat hindi tayo nakikipagtunggali laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito, at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan. 13 Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang sa masamang araw ay makayanan ninyong tumayo laban sa kaaway, at tumayo pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay. 14 Tumayo nga kayo na nabibigkisan ng katotohanan ang inyong mga balakang, at isuot ninyo ang pandibdib na baluti ng katuwiran, 15 at isuot ninyo ang kahandaan ng ebanghelyo ng kapayapaan sa inyong mga paa. 16 Higit sa lahat, kunin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na sa pamamagitan nito ay maaapula ninyo ang lahat ng mga nag-aapoy na palaso ng masama. 17 At tanggapin ninyo ang helmet ng kaligtasan, at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos. 18 Sa lahat ninyong panalangin at pagdaing, manalangin kayo sa lahat ng panahon sa pamamagitan ng Espiritu, at sa mismong bagay na ito ay magbantay kayo nang buong tiyaga at pagdaing para sa lahat ng mga banal. 19 At para sa akin, ipanalangin ninyo na bigyan ako ng salita, na ako ay magkaroon ng lakas ng loob sa pagbukas ko ng aking bibig upang maipahayag ang hiwaga ng ebanghelyo, 20 kung saan ay kinatawan ako na may tanikala upang sa pamamagitan nito ay buong-loob kong maihayag kagaya ng nararapat kong pagsasalita. 21 At upang malaman din ninyo ang mga bagay patungkol sa akin at kung ano ang ginagawa ko, ang magpapahayag sa inyo ng lahat ay ang minamahal na kapatid at matapat na lingkod ng Panginoon na si Tiquico. 22 Isinugo ko siya sa inyo para mismo sa bagay na ito upang malaman ninyo ang mga bagay patungkol sa amin at maaliw niya ang inyong mga puso. 23 Mga kapatid, sumainyo ang kapayapaan at pag-ibig na may pananampalataya mula sa Diyos Ama at Panginoong Jesu-Cristo. 24 Ang biyaya ay sumakanilang lahat na umiibig nang dalisay sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya nawa! |