Sukellus ja Lasarus
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus mayaman Mies pahimakas pinto pulubi Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 1619 “May isang lalaking mayaman at siya ay nakadamit ng kulay ube at pinong lino, at marangyang pinapasaya araw-araw. 20 May isa ring lalaking dukha na ang pangalan ay Lazaro na inilagay sa tarangkahan ng mayaman. Siya ay puno ng sugat 21 at mahigpit niyang hinahangad na mabusog mula sa mga mumong nahuhulog mula sa hapag-kainan ng mayamang lalaki. Higit pa rito, ang mga aso na lumalapit ay hinihimod ang kaniyang mga sugat. 22 Nangyari na ang lalaking dukha ay namatay at siya ay dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. At ang lalaking mayaman ay namatay rin at inilibing. 23 At sa Hades ay itinaas niya ang kaniyang paningin. At sa pagsisimula ng kaniyang paghihirap ay nakikita niya sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang piling. 24 “Ngunit siya ay sumigaw at sinabi, ‘Amang Abraham, kahabagan mo ako at suguin mo si Lazaro upang kaniyang isawsaw ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig at palamigin ang aking dila sapagkat ako ay lubhang pinaparusahan sa lagablab ng apoy na ito.’ 25 Ngunit sinabi ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mo na ikaw mismo ay tumanggap ng mabubuting bagay sa buong buhay mo, ngunit si Lazaro ay tumanggap ng masasamang bagay. Ngunit sa ngayon siya naman ay inaaliw subalit ikaw ay lubhang nagdurusa. 26 At higit sa lahat ng mga ito, sa pagitan namin at sa inyo ay mayroong nakatatag na malaking bangin upang ang mga nagnanais na tumawid mula rito patungo sa inyo ay hindi makakayanan at kahit sila na nagnanais pumunta mula riyan patungo sa amin ay hindi makakatawid.’ 27 “Kaya sinabi niya, ‘Kung gayon, ako ay humihiling sa iyo ama, na kung maaari ay suguin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama, 28 sapagkat ako ay may limang kapatid na lalaki, upang kung maaari ay magpatotoo siya sa kanila nang sila naman ay hindi makarating sa dakong ito ng pagdurusa.’ 29 Sinabi ni Abraham sa kaniya, ‘Nasa kanila ang isinulat ni Moises at ang mga aklat ng mga Propeta. Hayaang sila ay makinig sa kanila.’ 30 Subalit sinabi niya, ‘Hindi, hindi, amang Abraham. Ngunit kapag ang isang nagmula sa mga patay ay makakapunta sa kanila, sila ay magsisisi.’ 31 Subalit sinabi ni Abraham sa kaniya, ‘Kung hindi nila pinapakinggan si Moises at ang mga aklat ng mga Propeta, sila ay hindi mahihikayat kahit na may isang babangon mula sa mga patay.’ ” |








