44 At ang lahat ng mga mananampalataya ay magkakasama at sila ay may pakikibahagi sa lahat ng mga bagay.45 At kanilang ipinagbili ang kanilang mga tinatangkilik at mga ari-arian at kanilang ipinamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng sinuman.
Acts 4
32 Ang malaking bilang ng mga sumampalataya ay isa sa puso at sa kaluluwa, at wala ni isa man ang nagsabi na ang mga tinatangkilik niya ay sa kaniya kundi ang lahat ng mga bagay ay para sa lahat.33 At sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay nagbigay ng patotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus, at ang dakilang biyaya ay sumakanilang lahat.34 Walang sinuman sa kanila ang nangailangan sapagkat ipinagbili ng sinumang mga nagmamay-ari ang kanilang mga lupain o mga tirahan, at ang halaga ng pinagbilhan ay kanilang dinala35 at inilagay sa paanan ng mga apostol, at ipinamamahagi ito sa bawat isa ayon sa kaniyang pangangailangan.36 Si Jose, na sa pamamagitan ng mga apostol ay pinangalanang Barnabas (na ang kahulugan ay anak ng kaaliwan), na isang Levita na ipinanganak sa Cyprus,37 ay nagmamay-ari ng bukirin. Nang ito ay kaniyang naipagbili, dinala niya ang salapi at inilagay sa paanan ng mga apostol.