36 At sa Jopa ay may isang alagad na ang pangalan ay Tabita, na ang kahulugan ay Dorcas. Siya ay puspos ng mabubuting gawa at ng pamamahagi sa mga nangangailangan, iyon ang kaniyang ginagawa.37 Ngunit nangyari nang mga araw na iyon na siya ay nagkasakit at namatay. At siya ay hinugasan nila at inilagay nila sa silid sa itaas.38 Nang nabalitaan ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, sila ay nagsugo ng dalawang lalaki sa kaniya, na ipinamamanhik na huwag niyang patagalin ang pagpunta sa kanila yamang ang Lida ay malapit sa Jopa.39 Kaya tumindig si Pedro at sumama sa kanila. At sa kaniyang pagdating, siya ay dinala nila sa silid sa itaas. At tumayong malapit sa kaniya ang lahat ng mga babaing balo na tumatangis at ipinapakita ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas nang siya ay kasama pa nila.40 Ngunit nang silang lahat ay napalabas ni Pedro, siya ay lumuhod at nanalangin. At nang siya ay humarap sa katawan, sinabi niya, “Tabita, bumangon ka.” At iminulat niya ang kaniyang mga mata at nang nakita niya si Pedro, siya ay umupo.41 At iniabot ni Pedro ang kaniyang mga kamay at siya ay kaniyang itinindig. At pagkatapos tawagin ang mga banal at mga babaing balo, siya ay iniharap niyang buhay.42 Kaya ito ay nalaman sa buong Jopa at marami ang sumampalataya sa Panginoon.