39 Kaya tumindig si Pedro at sumama sa kanila. At sa kaniyang pagdating, siya ay dinala nila sa silid sa itaas. At tumayong malapit sa kaniya ang lahat ng mga babaing balo na tumatangis at ipinapakita ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas nang siya ay kasama pa nila.