1 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
Luke 4
18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil ako ay pinahiran niya ng langis upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dukha. Isinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso, upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang panunumbalik ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naapi,