Juo elävää vettä
| Secondary Keywords | inumin mahusay Nainen nainen Samaritana tubig na buhay |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 41 Nang nalaman nga ng Panginoon na narinig ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at nagbabawtismo ng higit na maraming alagad kaysa kay Juan, 2 (bagaman hindi nga mismo si Jesus ang nagbabawtismo kundi ang kaniyang mga alagad), 3 umalis siya sa Judea at pumunta muli sa Galilea. 4 Ngunit kinakailangang dumaan siya sa Samaria 5 kaya pumunta siya sa lungsod ng Samaria na tinatawag na Sicar na malapit sa lupaing ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose. 6 Naroroon ang balon ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay kaya siya ay umupo sa tabi ng balon. Nang ang oras noon ay mag-ikaanim na, 7 dumating ang isang Samaritana upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bigyan mo ako ng maiinom” 8 (dahil ang kaniyang mga alagad ay pumunta na sa lungsod upang bumili ng pagkain). 9 Kaya sinabi sa kaniya ng Samaritana, “Papaanong ikaw, bilang Judio, ay humihingi ng maiinom sa akin na isang Samaritana?” Sapagkat hindi nakikipag-ugnayan ang mga Judio sa mga Samaritano. 10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo, ‘Bigyan mo ako ng maiinom,’ hihiling ka sa kaniya at ibibigay niya sa iyo ang tubig ng buhay.” 11 Sinabi ng babae sa kaniya, “Ginoo, wala ka namang pansalok at malalim ang balon, kung gayon, mula saan ka nagkakaroon ng tubig ng buhay? 12 Mas dakila ka ba kaysa sa aming amang si Jacob na nagbigay sa amin ng balon? Siya mismo ay uminom mula rito, gayundin ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga alagang hayop.” 13 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ang bawat isang umiinom mula sa tubig na ito ay muling mauuhaw. 14 Subalit ang sinumang uminom mula sa tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hinding-hindi mauuhaw magpakailanman. Ngunit ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na bumubukal sa buhay na walang hanggan.” |








