1 Pagkalipas ng Sabat, si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mabangong mga pamahid upang puntahan at pahiran si Jesus.2 Maagang-maaga, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sila sa libingan habang papasikat ang araw.3 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato mula sa bukana ng libingan para sa atin?”