15 At sa pagsapit ng takipsilim, ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya na sinasabi, “Ito ay isang ilang na lugar at lumipas na ang oras. Pauwiin mo ang napakaraming tao upang sila ay pumunta sa mga nayon at makabili ng mga pagkain para sa kanilang sarili.”16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi nila kinakailangang umalis. Bigyan ninyo sila ng makakain.”17 At sinabi nila sa kaniya, “Wala tayong anuman dito maliban sa limang tinapay at dalawang isda.”18 Kaya sinabi niya, “Dalhin ninyo rito sa akin ang mga iyon.”19 At inutusan niya ang napakaraming tao na umupo sa damuhan. At pagkakuha niya sa limang tinapay at dalawang isda, siya ay tumingala sa langit at kaniyang pinagpala at pagkatapos niyang pinagputol-putol ang mga tinapay ay kaniyang ibinigay sa kaniyang mga alagad at ang mga alagad sa napakaraming tao.20 At silang lahat ay kumain at nabusog. Pagkatapos ay inipon nila ang mga lumabis na mga piraso ng tinapay at napuno ang labindalawang bakol.21 At sila na nakakain ay halos limang libong lalaki bukod sa mga babae at mga bata.