2 Sumagot siya at sinabi sa kanila, “Sa pagsapit ng gabi, sinasabi ninyo, ‘Mabuti ang panahon dahil pumupula ang langit.’3 At sa umaga ay sinasabi ninyo, ‘Ngayong araw, masama ang panahon dahil pumupula at kumukulimlim ang langit.’ Mga mapagpaimbabaw! Marurunong nga kayong kilalanin ang anyo ng langit subalit hindi ninyo kaya ang mga tanda ng mga nakatakdang panahon.