Eden palautti
| Secondary Keywords | bagong Jerusalem buhay Eden etninen Herra Jerusalem Joki Lammas Maan maa Onnea onnellinen paraiso taivaallinen taivas tupa Uusi uusi uusi walang hanggan |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 9:13-15 2 Peter 3:13 Isaiah 65:17-25 Revelation 21:1-7 Revelation 21:23-25 Revelation 22:1-5 |
2 Peter 313 Gayunpaman, ayon sa pangako ng Diyos ay naghihintay tayo ng bagong langit at bagong lupa kung saan nananahan ang katuwiran. Amos 913 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw.14 At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila'y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon.15 At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios. Isaiah 6517 Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.18 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.19 At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.20 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.21 At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.22 Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.23 Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.24 At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.25 Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon. Revelation 211 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na at ang dagat ay wala na.2 At ako, si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababang nagmula sa Diyos mula sa langit na nakahanda katulad ng isang babaing ikakasal na ginayakan para sa kaniyang asawa.3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit, na sinasabi, “Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao at siya ay mananahang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang bayan at siya mismo ang magiging Diyos na kasama nila at magiging kanilang Diyos.4 At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata at mawawala na ang kamatayan, ang pagluluksa, ang pag-iyak at ang pagkahapis sapagkat ang naunang mga bagay ay lumipas na.” Isa 25:85 At siya na nakaupo sa trono ay nagsabi, “Narito, ginawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay totoo at matapat.”6 At sinabi niya sa akin, “Ang lahat ay naganap na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Ako ang magbibigay ng tubig ng buhay na walang bayad mula sa bukal sa kaniya na nauuhaw.7 Siya na mapagtagumpay ay magmamana ng lahat ng mga bagay, at ako ay magiging kaniyang Diyos at siya ay magiging aking anak. Revelation 2123 At ang lungsod ay hindi nangangailangan ng araw o ng buwan upang magliwanag doon sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag sa lungsod at ang Kordero ang ilawan nito.24 At ang mga bansa niyaong mga iniligtas ay maglalakad sa liwanag nito at dinadala rito ng mga hari ng daigdig ang kanilang kaluwalhatian at karangalan.25 At ang mga tarangkahan ng lungsod ay hinding-hindi maisasara sa araw sapagkat wala ng gabi roon. Revelation 221 At ipinakita niya sa akin ang dalisay na ilog ng tubig ng buhay, na maningning katulad ng kristal, na lumalabas mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.2 Sa kalagitnaan ng lansangan ng lungsod at sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy ng buhay na nagbubunga ng labindalawang uri ng bunga at nagbibigay ng kaniyang bunga sa bawat buwan at ang mga dahon ng punongkahoy ay para sa kagalingan ng mga bansa.3 At doon ay hindi na magkakaroon pa ng sumpa, at ang trono ng Diyos at ng Kordero ay nasa lungsod, at ang kaniyang mga alipin ay maglilingkod sa kaniya4 at makikita nila ang kaniyang mukha, at ang kaniyang pangalan ay nasa kanilang mga noo.5 At doon ay hindi na magkakaroon ng gabi at hindi na nila kinakailangan ng ilawan o ng liwanag ng araw sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagliliwanag sa kanila. At sila ay maghahari magpakailan pa man. | |








