6 dahil ang Diyos ang siyang nag-utos upang mula sa kadiliman ay magliwanag ang ilaw na siyang nagliwanag sa aming mga puso para sa kaliwanagan ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng mukha ni Jesu-Cristo.
2 Peter 1
19 At tinataglay namin ang higit na mapagkakatiwalaang salita ng mga propeta kung saan ay mabuti ang inyong ginagawa, sapagkat sinusunod ninyo ang mga ito katulad ng ilawan na nagliliwanag sa madilim na lugar hanggang sa ang araw ay magbukang liwayway at ang tala ng umaga ay sumikat sa inyong mga puso.
John 3
21 Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw upang makita na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.”
Psalm 119
105 Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
Psalm 18
28 Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan; liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman.