Sisäänpääsy Jerusalemiin
| Secondary Keywords | asno Jeesus Jeesus palm sanga parada Pasko ng Pagkabuhay silakbo ng damdamin sumakay |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 12:13-15 Lucas 19:36-38 Marcos 11:8-9 Matthew 21:8-9 |
John 1213 ang kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang salubungin siya at sumigaw, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon,’ Awi 118:25-26 ang Hari ng Israel!”14 Nang natagpuan ni Jesus ang isang batang asno, sumakay siya rito kagaya ng nasusulat,15 “Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion! Narito, ang iyong hari ay dumarating na nakasakay sa bisiro.” Zak 9:9 Luke 1936 At habang siya ay humahayo, inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan.37 Ngunit nang siya ay papalapit na sa paanan ng bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming alagad ay nagsimulang magalak na nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga makapangyarihang gawa na nakita nila,38 na sinasabi, “ ‘Papuri sa hari na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:26 Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataas-taasan!” Mark 118 Kaya marami ang naglatag ng kanilang mga damit sa daan, at ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga punongkahoy at inilatag ang mga ito sa daan.9 Ang mga nauuna at ang mga sumusunod ay sumisigaw na sinasabi, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 Matthew 218 At ang lubhang napakaraming tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga punongkahoy at inilatag sa daan.9 At ang napakaraming tao na nauuna sa kaniya at ang mga sumusunod sa kaniya ay sumigaw na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 Hosana sa kataas-taasan!” | |








