7 At sa unang araw ng sanlinggo, nang nagkatipon ang mga alagad upang magputul-putol ng tinapay, si Pablo ay nakipagpaliwanagan sa kanila dahil siya ay papaalis na kinabukasan. Tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.8 At mayroong maraming ilaw sa silid sa itaas na pinagtipunan nila.9 At may isang binata na ang pangalan ay Eutico ang nakaupo sa bintana na nakatulog ng mahimbing. Sa haba ng pakikipagpaliwanagan ni Pablo, lalong napahimbing ang kaniyang tulog at siya ay nahulog pababa mula sa ikatlong palapag at patay na siya nang mabuhat.10 Ngunit nanaog si Pablo, dumapa sa ibabaw niya, kaniyang niyakap at sinabi, “Huwag kayong magkagulo sapagkat nasa kaniya pa ang kaniyang buhay.”11 Pagkatapos niyang pumanhik, siya ay nakipagputul-putol ng tinapay at kumain. Siya ay nakipag-usap pa ng matagal hanggang sa pagsikat ng araw at pagkatapos siya ay umalis.12 At iniuwi nilang buhay ang binata at sila ay naaliw ng lubos.