28 PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia.
Daniel 5
30 Nang gabing yaon ay napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea.31 At tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian, na noo'y anim na pu't dalawang taon ang gulang niya.
Isaiah 13
19 At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.
Isaiah 21
9 At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.
Jeremiah 51
1 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magbabangon laban sa Babilonia, at laban sa nagsisitahan sa Lebcamai, ng manggigibang hangin.
Jeremiah 51
11 Inyong patalasin ang mga pana, inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag; pinukaw ng Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga Medo; sapagka't ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia, upang sirain: sapagka't siyang panghihiganti ng Panginoon, panghihiganti ng kaniyang templo.
Jeremiah 51
12 Mangagtaas kayo ng watawat laban sa mga kuta ng Babilonia, inyong patibayin ang bantayan, inyong lagyan ng mga bantay, kayo'y mangaghanda ng mga pangbakay: sapagka't ang Panginoon ay nagpanukala at gumawa rin naman ng kaniyang sinalita tungkol sa mga nananahan sa Babilonia.
Jeremiah 51
49 Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel, gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain.
Jeremiah 51
55 Sapagka't ang Panginoon ay nananamsam sa Babilonia, at nanglilipol doon ang dakilang tinig; at ang mga alon ng mga yaon ay nagsisihugong na parang maraming tubig; ang hugong ng kanilang kaingay ay lumabas:
Micah 5
6 At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria, at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon: at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria, pagka siya'y pumasok sa ating lupain, at pagka siya'y tumungtong sa loob ng ating hangganan.
Revelation 14
8 At may isa pang anghel ang sumunod na nagsasabi, “Bumagsak na siya, bumagsak na ang Babilonia, ang dakilang lungsod na iyon dahil ang lahat ng mga bansa ay kaniyang pinainom ng alak ng poot ng kaniyang pakikiapid.”
Revelation 18
2 At siya ay sumigaw sa pamamagitan ng napakalakas na tinig na sinasabi, “Bumagsak na siya, bumagsak na ang Babilonia, ang dakilang lungsod at siya ay naging dakong tirahan ng mga demonyo at bilangguan ng bawat karumal-dumal na espiritu at kulungan ng bawat marumi at kasuklam-suklam na ibon!
Revelation 18
21 At isang malakas na anghel ang nagbuhat ng bato na katulad ng malaking gilingang-bato at kaniyang inihagis ito sa dagat, na sinasabi, “Sa ganito kabagsik na paraan ay ihahagis ng Diyos ang dakilang lungsod ng Babilonia at kailanman ay hindi na makikita.