6 Ngunit ito ang sinasabi ko, siya na naghahasik ng kaunti ay aani naman ng kaunti at siya na naghahasik na may kasaganaan ay aani namang may kasaganaan.7 Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso, hindi dahil sa kabigatan o dahil sa pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.8 Makapangyarihan ang Diyos upang pasaganain sa inyo ang bawat biyaya nang sa gayon kayo ay palaging magkaroon ng kasapatan sa lahat ng mga bagay at kayo ay maging masagana sa bawat mabuting gawa.9 Ito ang ayon sa nasusulat, “Siya ay namahagi sa malalayong dako, siya ay nagbigay sa mga dukha. Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman.” Awi 112:910 At siya na nagbibigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay para sa inyong pagkain, siya rin nawa ang magkakaloob at magpaparami ng inyong binhi at magpapalago ng mga bunga ng inyong katuwiran,11 upang sa lahat ng bagay ay payamanin kayo sa lahat ng inyong pagbibigay na nagbubunga ng pagpapasalamat sa Diyos sa pamamagitan namin.