Ruokintaa väkijoukolle
| Secondary Keywords | himala Jeesus Jeesus maraming tao mga feed pagpapakain pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Mark 81 Nang mga araw na iyon, ang mga tao ay lubhang napakarami at wala silang anumang makain, kaya tinawag ni Jesus na lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad na sinasabi sa kanila, 2 “Ako ay nahahabag sa napakaraming tao sapagkat tatlong araw na silang nanatiling kasama ko at wala silang anumang makain, 3 at kung pauwiin ko sila sa kanilang tirahan na hindi pa nakakakain, manlulupaypay sila sa daan sapagkat malayo pa ang pinanggalingan ng ilan sa kanila.” 4 At sumagot sa kaniya ang kaniyang mga alagad, “Saan makakakuha ng tinapay ang sinuman upang mabusog ang mga taong ito na nasa ilang na dako?” 5 Kaya tinanong niya sila, “Ilang tinapay ang mayroon kayo?” At sumagot sila, “Pito.” 6 At iniutos niya sa napakaraming tao na umupo sa lupa. At nang nakuha niya ang pitong tinapay at nakapagpasalamat, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay niya sa kaniyang mga alagad upang maipamahagi. At ibinahagi nila ang mga ito sa napakaraming tao. 7 At sila ay mayroong ilang maliliit na isda. At nang kaniyang napagpala ang mga ito, kaniyang sinabi na ipamahagi rin sa kanila. 8 Kaya sila ay kumain at nabusog. At kanilang pinulot ang lumabis na pira-pirasong tinapay at nakapuno sila ng pitong kaing. 9 At ang mga nakakain ay halos apat na libo. Pagkatapos nito, sila ay pinauwi ni Jesus. Matthew 1529 At nang nakaalis si Jesus mula sa lugar na iyon, siya ay pumunta sa tabi ng dagat ng Galilea. At nang siya ay nakaahon sa bundok, siya ay umupo roon. 30 At lumapit sa kaniya ang lubhang napakaraming tao na kasama nila ang mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga may kapansanan sa kamay o sa paa, at marami pang iba. Sila ay kanilang inilagay sa paanan ni Jesus at sila ay kaniyang pinagaling. 31 Kung kaya ang napakaraming tao ay namangha habang nakikita nilang nagsasalita ang mga pipi, gumaling ang mga may kapansanan, lumalakad ang mga lumpo at nakakita ang mga bulag. At niluwalhati nila ang Diyos ng Israel. 32 Kaya tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa napakaraming tao sapagkat tatlong araw na silang nananatiling kasama ko at sila ay walang anumang makakain. At hindi ko ibig na paalisin silang hindi kumain baka sila ay manghina sa daan.” 33 Subalit sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, “Saan tayo kukuha sa ilang ng napakaraming tinapay upang mabusog ang napakaraming taong ito?” 34 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Ilang tinapay ang mayroon kayo?” At sinabi nila, “Pito at kaunting maliliit na isda.” 35 At kaniyang inutusan ang napakaraming tao na umupo sa lupa 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nang siya ay nakapagpasalamat, pinagputul-putol niya ang mga ito at ibinigay sa kaniyang mga alagad at ang mga alagad sa napakaraming tao. 37 At silang lahat ay kumain at nabusog. At kanilang pinulot ang mga lumabis na pira-pirasong pagkain at pitong kaing ang napuno. 38 At ang mga kumain ay apat na libong lalaki maliban sa mga babae at mga bata. 39 At kaniyang pinaalis ang napakaraming tao at siya ay sumakay sa bangka at pumunta sa mga hangganan ng Magdala. |