Fig Tree, oikea-aikainen varoitus
| Secondary Keywords | Babala igos Jeesus Jeesus pagang pahimakas pangwakas parabula puno Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 13:1-9 |
Luke 131 Sa panahon ding iyon ay naroroon ang ilan na nagsalaysay sa kaniya patungkol sa mga taga-Galilea na ang kanilang dugo ay inihalo ni Pilato sa kanilang mga hain.2 At sa pagsagot ni Jesus ay sinabi niya sa kanila, “Ipinapalagay ba ninyo na ang mga taga-Galileang ito ay naging higit na makasalanan kaysa sa lahat ng mga taga-Galilea dahil dinanas na nila ang mga bagay na ito?3 Sinasabi ko sa inyo, hindi. Subalit kapag hindi kayo magsisi, kayong lahat ay mapapahamak sa gayunding paraan.4 O yaong labing-walong tao na binagsakan ng tore sa Siloe na pumatay sa kanila, ipinapalagay ba ninyo na sila ay naging higit na makasalanan kaysa sa lahat ng mga taong naninirahan sa Jerusalem?5 Sinasabi ko sa inyo, hindi. Subalit kapag hindi kayo magsisi, kayong lahat ay mapapahamak sa gayunding paraan.”6 At sinabi ni Jesus ang talinghagang ito, “May isang lalaki na may puno ng igos na nakatanim sa kaniyang ubasan, at siya ay pumunta upang maghanap ng bunga sa puno ngunit wala siyang nakita.7 Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Narito, tatlong taon na akong pumaparito upang maghanap ng bunga sa puno ng igos na ito at wala akong nakikita. Putulin mo ito, dahil bakit sinasayang pa nito ang lupa?’8 Ngunit siya ay sumagot at sinabi sa kaniya, ‘Panginoon, sa taon ding ito ay hayaan mo ito hanggang sa mahukay ko ang paligid nito at malagyan ng pataba,9 at kapag ito nga ay magbunga, mabuti. Ngunit kung hindi, sa darating na taon, putulin mo na ito.’ ” | |








