11 At nakita ko ang dakilang puting trono at yaong nakaupo roon, na ang lupa at ang langit ay tumakas mula sa kaniyang harapan at walang natagpuang lugar para sa kanila.12 At nakita ko ang mga taong patay, mga hindi dakila at mga dakila, na nakatayo sa harapan ng Diyos. At ang mga aklat ay binuksan at ang isa pang aklat ay binuksan, ito ay ang aklat ng buhay. At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa mula sa mga nakasulat sa mga aklat.13 At isinuko ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at isinuko ng Kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila at ang bawat isa sa kanila ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.14 At ang Kamatayan at ang Hades ay itinapon sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan.15 At kung ang sinuman ay hindi natagpuan na nakasulat sa aklat ng buhay, siya ay itinapon sa lawa ng apoy.