42 At sila ay matatag na nagpatuloy sa turo ng mga apostol, sa pakikipag-isa, sa pagputol-putol ng tinapay, at sa mga pananalangin.43 Kaya nagkaroon ng takot sa bawat kaluluwa, at ang maraming kamangha-manghang gawa at ang mga tanda ay naganap sa pamamagitan ng mga apostol.44 At ang lahat ng mga mananampalataya ay magkakasama at sila ay may pakikibahagi sa lahat ng mga bagay.45 At kanilang ipinagbili ang kanilang mga tinatangkilik at mga ari-arian at kanilang ipinamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng sinuman.46 At sa araw-araw, sa kanilang matatag na pagpapatuloy na nagkakaisa sa templo at sa pagputol-putol ng tinapay sa kanilang mga bahay, sila ay tumatanggap ng pagkain na may labis na kagalakan at katapatan ng puso47 na nagpupuri sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng mga tao, at idinadagdag ng Panginoon sa iglesiya ang mga naliligtas araw-araw.