19 Kaya nga, magsisi kayo at manumbalik kayo upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang dumating ang mga panahon ng pananariwa mula sa harapan ng Panginoon,20 at maisugo si Jesu-Cristo na noong una pa ay naipangaral na sa inyo.21 Siya nga ang dapat na tanggapin ng langit hanggang sa panahon ng pagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay na sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng kaniyang mga banal na propeta mula noong una.