Viisi viisasta neitsyttä
| Avainsanat | birhen gabi handa ilawan lalaking ikakasal langis limang virgins matalino matalino virgins parabula |
|---|---|
| Secondary Keywords | paghahanda |
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 25:1-13 Matthew 25:4 |
Matthew 251 “Kaya ang paghahari ng langit ay maihahalintulad sa sampung dalagang birhen. Nang nakuha nila ang kanilang mga ilawan, sila ay lumabas upang salubungin ang lalaking ikakasal.2 Ang lima sa kanila ay matatalino at ang lima ay mga mangmang.3 Nang nakuha ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, sila ay hindi nagdala ng kanilang langis.4 Ngunit ang matatalino ay nagdala ng langis sa kanilang lalagyan kasama ng kanilang mga ilawan.5 Habang nagtatagal ang lalaking ikakasal, silang lahat ay inantok at nakatulog.6 “Ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay nagkaroon ng sigaw, ‘Narito, ang lalaking ikakasal ay dumarating! Lumabas kayo upang salubungin siya.’7 Kaya bumangon ang lahat ng mga dalagang birheng iyon at inayos ang kanilang mga ilawan.8 At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, ‘Bigyan ninyo kami ng inyong langis sapagkat namamatay na ang aming mga ilawan.’9 Ngunit ang matatalino ay sumagot na nagsasabi, ‘Hindi maaari. Baka hindi ito maging sapat para sa inyo at sa amin. Kaya pumunta na lang kayo sa mga nagtitinda at bumili kayo para sa inyong sarili.’10 Ngunit nang sila ay nakaalis upang bumili, ang lalaking ikakasal ay dumating at silang mga nakahanda ay pumasok na kasama niya sa piging ng kasalan at isinara ang pinto.11 “At pagkatapos ay dumating din ang ibang mga dalagang birhen na nagsasabi, ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.’12 Ngunit sumagot siya at sinabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala.’13 “Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw, ni ang oras kung kailan darating ang Anak ng Tao. Matthew 254 Ngunit ang matatalino ay nagdala ng langis sa kanilang lalagyan kasama ng kanilang mga ilawan. | |








