13 Nang sila ay nakauwi na, narito, ang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip na nagsasabi, “Bumangon ka at dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka papuntang Egipto. Manatili ka roon hanggang sa sabihin ko sa iyo sapagkat binabalak na ipahanap ni Herodes ang bata upang siya ay patayin.”14 Kaya pagbangon niya, dinala niya ang bata at ang kaniyang ina at sa gabi ay umalis papuntang Egipto.15 Nanatili siya roon hanggang sa pagkamatay ni Herodes upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta na sinasabi, “Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak.” Ose 11:116 Nang nalaman ni Herodes na siya ay nalinlang ng mga lalaking pantas, siya ay labis na nagalit at nagsugo na patayin ang lahat ng mga batang lalaki sa Bethlehem at sa buong palibot nito, mula sa dalawang taong gulang pababa ayon sa panahon na nagsiyasat siya mula sa mga lalaking pantas.17 Kaya natupad ang sinabi sa pamamagitan ng propetang Jeremias, na sinasabi,18 “Sa Rama ay narinig ang tinig ng panaghoy, pagtangis at labis na pagdalamhati. Tinatangisan ni Rachel ang kaniyang mga anak at hindi niya ibig na maaliw sapagkat sila ay wala na.” Jer 31:15