27 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad?28 “At bakit kayo nababalisa patungkol sa pananamit? Pagmasdan ninyong mabuti ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni nagsisinulid.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon mismo ay hindi nakapagdamit nang katulad ng isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian.