Seuraa minua
| Secondary Keywords | Misyon pandaigdig pangkalahatan sundin Ystävä ystävä |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 18:15-17 Marcos 10:13-16 Matthew 19:13-15 |
Luke 1815 At dinala rin nila sa kaniya ang mga sanggol upang sila ay mahawakan niya. Ngunit nang nakita ito ng mga alagad, sila ay kanilang sinaway.16 Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang pigilan sapagkat ang paghahari ng Diyos ay para sa mga katulad nila.17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa paghahari ng Diyos katulad ng isang maliit na bata ay hinding-hindi makakapasok doon.” Mark 1013 At dinala nila kay Jesus ang maliliit na bata upang sila ay kaniyang mahawakan, ngunit sinaway ng mga alagad ang mga nagdadala sa mga bata.14 Subalit labis na nagalit si Jesus nang nakita ito, at sinabi niya sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos.15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa paghahari ng Diyos katulad ng isang maliit na bata ay hinding-hindi makakapasok doon.”16 At nang sila ay nayakap ni Jesus, sila ay pinagpala niya nang kaniyang ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kanila. Matthew 1913 Pagkatapos nito, dinala sa kaniya ang maliliit na bata upang maipatong niya ang kaniyang kamay sa kanila at sila ay ipanalangin ngunit sila ay sinaway ng mga alagad.14 Ngunit sinabi ni Jesus, “Pahintulutan ninyo ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangang makalapit sa akin sapagkat para sa mga katulad nila ang paghahari ng langit.”15 At pagkatapos niyang ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kanila, siya ay umalis doon. | |








