38 “Narinig ninyo na ito ay sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Exo 21:24; Lev 24:20; Deu 19:2139 Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag kayong lumaban sa masamang tao. Subalit ang sinumang sasampal sa iyong kanang pisngi iharap mo rin sa kaniya ang kabila.40 At ang sinumang nagnanais na magsakdal sa iyo at kukuha ng iyong tunika, hayaan mong kunin din niya ang iyong balabal.41 At ang sinuman pipilit sa iyo na magdala ng daladalahin ng isang milya°, sumama ka sa kaniya sa dalawa.42 Magbigay ka sa kaniya na humihingi sa iyo at siya na nagnanais na humiram sa iyo ay huwag mong tatalikuran.