Neljä hevosta
| Avainsanat | manahin tumigil |
|---|---|
| Secondary Keywords | apat na horsemen Ilmoitus tuomio tuomio tuomio |
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 61 At nakita ko nang binuksan ng Kordero ang isa sa mga selyo at narinig ko ang isa sa apat na buhay na nilalang na nagsasabi katulad ng tunog ng kulog, “Halika at pagmasdan mo.” 2 At nakita ko, narito, ang isang kabayong puti at yaong nakaupo sa kaniya na may isang busog at siya ay binigyan ng isang putong at siya ay humayo na nanlulupig at upang siya ay manlupig. 3 At nang binuksan ng Kordero ang ikalawang selyo, narinig ko ang ikalawang buhay na nilalang na nagsasabi, “Halika at pagmasdan mo.” 4 At lumabas ang isang kabayong pula at yaong nakaupo sa kaniya ay binigyan ng kapangyarihan upang alisin ang kapayapaan sa lupa at upang sila ay magpatayan sa isa't isa, at siya ay binigyan ng isang malaking tabak. 5 At nang binuksan ng Kordero ang ikatlong selyo, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na nagsasabi, “Halika at pagmasdan mo.” At nakita ko, narito, ang isang kabayong itim at yaong nakaupo sa kaniya ay nagtataglay ng timbangan sa kaniyang kamay. 6 At narinig ko ang isang tinig sa kalagitnaan ng apat na buhay na nilalang na nagsasabi, “Ang isang takal° ng trigo ay kasing-halaga ng isang denaryo° at ang tatlong takal na sebada ay kasing-halaga ng isang denaryo at ang langis at alak ay huwag mong galawin.” 7 At nang binuksan ng Kordero ang ikaapat na selyo, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buhay na nilalang na nagsasabi, “Halika at pagmasdan mo.” 8 At nakita ko, narito, ang isang kabayong maputla at ang pangalan niyaong nakaupo sa kaniya ay Kamatayan, at ang Hades ay sumusunod sa kaniya, at sila ay binigyan ng kapangyarihan upang patayin ang higit sa ikaapat na bahagi ng mga nasa lupa sa pamamagitan ng tabak at ng gutom at ng salot at sa pamamagitan ng mababangis na hayop ng lupa. |








