Ystävät rukoilevat Peterin puolesta
| Avainsanat | dasal kaibigan |
|---|---|
| Secondary Keywords | bilangguan Elämää koleksyon lingkod mapaghimala pakawalan Peter Rhoda |
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 125 Kaya si Pedro ay ipinabantayan sa bilangguan, ngunit nagkaroon ng maningas na panalangin sa Diyos ang iglesiya alang-alang sa kaniya. 6 Nang malapit na siyang ilabas ni Herodes, sa gabing iyon, si Pedro ay natutulog sa pagitan ng dalawang kawal, iginapos sa dalawang tanikala at sa harap ng pintuan ay may mga kawal na nagbabantay ng kulungan. 7 At narito, ang isang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi niya at ang ilaw ay nagliwanag sa kulungan. At tinapik niya si Pedro sa tagiliran at kaniyang ginising na sinasabi, “Bumangon kang madali.” At nalaglag ang mga tanikala mula sa kaniyang mga kamay. 8 At sinabi sa kaniya ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong mga panyapak.” At gayon ang ginawa niya. At sinabi ng anghel sa kaniya, “Isuot mo ang iyong balabal at sumunod ka sa akin.” 9 At siya ay lumabas at sumunod sa anghel at hindi niya alam na totoo ang nangyayaring ito sa pamamagitan ng anghel, gayunpaman, inakala niyang nakakita siya ng pangitain. 10 Pagkalagpas nila sa una at ikalawang kulungan, dumating sila sa tarangkahang bakal na patungo sa lungsod at ito ay kusang nabuksan para sa kanila. At pagkalabas nila, sila ay dumaan sa isang lansangan at kaagad siyang iniwan ng anghel. 11 Nang natauhan si Pedro ay kaniyang sinabi, “Ngayon ay alam ko na totoong sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel upang iligtas ako mula sa kamay ni Herodes at mula sa lahat ng inaasam ng mga taong mga Judio.” 12 Nang napag-isipan niya ito, siya ay pumunta sa bahay ni Maria, na ina ni Juan na tinatawag na Marcos, kung saan marami ang nagkatipun-tipon at nananalangin. 13 Nang si Pedro ay kumatok sa pinto ng tarangkahan, ang isang aliping babae na ang pangalan ay Roda ay lumabas upang tumugon. 14 Nang nakilala niya ang tinig ni Pedro, hindi niya binuksan ang tarangkahan dahil sa tuwa. Sa halip, siya ay tumakbo sa loob at kaniyang ipinagbigay-alam na nakatayo na si Pedro sa harap ng tarangkahan. 15 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ikaw ay nababaliw.” Ngunit buong katiyakan niyang iginigiit na naroroon na nga si Pedro. Sa gayon, sinabi nila, “Iyon ay ang kaniyang anghel.” 16 Subalit si Pedro ay nagpatuloy sa pagkatok at nang sila ay nagbukas, siya ay nakita nila at sila ay namangha. 17 Ngunit hinudyatan niya sila sa pamamagitan ng kamay upang tumahimik at isinalaysay niya sa kanila kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa kulungan. At sinabi niya, “Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid.” At pagkaalis niya, siya ay pumunta sa ibang dako. |








