1 At nang si Jesus ay lumabas at umalis mula sa templo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo.2 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga ito? Katotohanang sinasabi ko sa inyo na walang maiiwanan dito kahit isang bato sa ibabaw ng bato na hindi babagsak.”3 At habang siya ay nakaupo sa bundok ng mga Olibo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya nang bukod, na sinasabi, “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang tanda ng iyong pagdating at katapusan ng kapanahunang ito?”