10 sapagkat siya ay naghihintay ng isang lungsod na may mga saligan, na ang nagbalangkas at nagtayo ay ang Diyos.11 Sa pamamagitan ng pananampalataya, kahit si Sara mismo ay tumanggap ng kakayahang magdalang-tao, at nanganak na lagpas na sa gulang sapagkat ibinilang niya na yaong nangako sa kaniya ay matapat.12 Kaya mula naman sa isang lalaki na itinulad sa isang patay ay isinilang ang mga ito na napakarami katulad ng mga bituin sa langit at hindi mabilang katulad ng buhangin sa tabing-dagat.13 Silang lahat ay namatay na may pananampalataya na hindi tinanggap ang mga pangako, ngunit natanaw nila ang mga ito mula sa malayo, at nahikayat sila at malugod nilang tinanggap at ipinahayag nila na sila ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa daigdig.14 Sapagkat sila na nagsasalita ng ganitong mga bagay ay nagpapakilala na sila ay naghahangad ng sariling bansa.15 At kung inaalala nga nila ang bayan na kanilang pinanggalingan, sila ay maaaring magkaroon ng pagkakataong bumalik.16 Ngunit ngayon, ang hinahangad nila ay lalong mabuti. Dahil dito, ang Diyos ay hindi nahihiya na tawaging kanilang Diyos sapagkat siya ay naghanda ng isang lungsod para sa kanila.