11 Pagkarating nila sa loob ng bahay, nakita nila ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Sa kanilang pagpatirapa ay sinamba nila ang bata, at nang binuksan nila ang lalagyan ng kanilang mga kayamanan, sila ay naghandog sa kaniya ng mga kaloob na ginto at kamangyan at mira.
Matthew 6
19 “Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan sa lupa kung saan ang tanga at ang kalawang ay nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay nakakapanloob at nakakapagnakaw.20 Sa halip mag-ipon kayo para sa inyong sarili ng kayamanan sa langit kung saan kahit ang tanga ni ang kalawang ay hindi nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nakakapanloob, ni nakakapagnakaw.21 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay magiging doon din ang inyong puso.