wjpas0448
| Secondary Keywords | henkilö Ihmiset ihmiset luwalhatiin Miehet miehet Mies Mies pagpuri pagtitig pangitain papuri pariseo Satumaa Stephen |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 9:13-18 |
John 913 Dinala nila sa mga Fariseo ang lalaki na dating bulag.14 Araw ng Sabat noon nang si Jesus ay gumawa ng putik at iminulat ang kaniyang mga mata.15 Ang mga Fariseo ay muling nagtanong sa kaniya kung paano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila, “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata at ako ay naghilamos, pagkatapos nakakakita na ako.”16 Sinabi nga ng ilan sa mga Fariseo, “Ang lalaking ito ay hindi nagmula sa Diyos dahil hindi niya tinutupad ang araw ng Sabat.” Sinabi naman ng iba, “Papaano makakagawa ng mga ganitong tanda ang isang lalaking makasalanan?” At nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanila.17 Muli nilang sinabi sa lalaki na dating bulag, “Ano ang sinasabi mo patungkol sa kaniya na nagmulat ng iyong mga mata?” Sinabi ng lalaki, “Siya ay propeta.”18 Hindi pinaniwalaan ng mga Judio ang patungkol sa kaniya, na dating bulag at nakakita, hanggang sa tawagin nila ang mga magulang niyaong nakakita na. | |








