Mene ja tee oppilaita
| Avainsanat | Jeesus Jeesus magpadala |
|---|---|
| Secondary Keywords | alagad apostol Elämää gumawa koleksyon malaking komisyon |
| Mga Banal na Kasulatan | Mark 16:15-20 Matthew 28:18-20 |
Mark 1615 At sinabi niya sa kanila, “Sa inyong paghayo sa buong sanlibutan, ipangaral ninyo ang ebanghelyo sa bawat nilikha.16 Siya na sumampalataya at mabawtismuhan ay maliligtas, ngunit siya na hindi sumampalataya ay hahatulan.17 Ngunit sa kanila na mga sumasampalataya, ang mga tanda na ito ay susunod sa kanila: sila ay magpapalayas ng mga demonyo sa aking pangalan, sila ay magsasalita ng mga bagong wika,18 sila ay dadampot ng mga ahas, at kapag makainom sila ng anumang bagay na nakakamatay ay hinding-hindi sila masasaktan, sila ay magpapatong ng mga kamay sa may mga karamdaman at sila ay gagaling.”19 Kaya nga, pagkatapos magsalita ang Panginoon sa kanila, siya ay dinalang paitaas sa langit at umupo sa bahaging kanan ng Diyos.20 Kaya sa kanilang pag-alis, sila ay nangaral sa lahat ng dako, ang Panginoon ay gumagawang kasama nila at pinagtitibay niya ang salita sa pamamagitan ng mga tanda na sumusunod. Siya nawa. Matthew 2818 At si Jesus ay lumapit at nagsalita sa kanila na sinasabi, “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa lupa ay ibinigay sa akin.19 Kaya sa inyong paghayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu,20 na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay, anuman ang aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito.” Siya nawa! | |








