6 Pagkatapos nito ay nagpakita siya nang minsan sa mahigit na limandaang mga kapatid, na ang karamihan sa kanila ay nananatili hanggang sa ngayon, ngunit ang ilan ay namatay na.7 Pagkatapos nito ay nagpakita siya kay Santiago at pagkatapos ay sa lahat ng mga apostol,
Matthew 28
16 Ang labing-isang mga alagad nga ay pumunta sa Galilea, sa bundok na itinakda sa kanila ni Jesus.17 At nang siya ay nakita nila, siya ay sinamba nila ngunit ang iba ay nag-alinlangan.18 At si Jesus ay lumapit at nagsalita sa kanila na sinasabi, “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa lupa ay ibinigay sa akin.19 Kaya sa inyong paghayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu,20 na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay, anuman ang aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito.” Siya nawa!