16 sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may sigaw na nag-uutos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos, at ang mga patay kay Cristo ay unang babangon.17 Gayundin, tayo na mga nananatiling buhay ay magkasabay na aagawin sa mga ulap na kasama nila para sa pagsalubong ng Panginoon sa hangin at sa gayong paraan ay makakasama natin ang Panginoon kailanman.
Matthew 16
27 Sapagkat ang Anak ng Tao ay malapit ng dumating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. Pagkatapos nito ay gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang gawa.
Revelation 1
7 Narito, siya ay dumarating kasama ng mga ulap at siya ay makikita ng bawat mata at niyaong mga tumusok sa kaniya, at ang lahat ng mga lipi sa daigdig ay tatangis dahil sa kaniya. Oo! Siya nawa.