3 Ngunit isinalaysay ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila na sinasabi,4 “Sino sa inyo ang lalaking may isandaang tupa at napahamak ang isa sa kanila na hindi iiwan ang siyamnapu't siyam sa ilang at aalis patungo sa napahamak na tupa hanggang sa matagpuan niya ito.5 At kapag natagpuan niya ito, papasanin niya ito sa kaniyang mga balikat, na nagagalak?6 At pagdating niya sa bahay, sama-sama niyang tatawagin ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi sa kanila, ‘Makigalak kayo sa akin sapagkat natagpuan ko ang aking tupa na napahamak.’7 Sinasabi ko sa inyo na sa gayong paraan ay magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisisi kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi.