Hyvä apu
| Secondary Keywords | dakila Jeesus Jeesus lingkod Nain pahimakas patay Poika poika Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 7:11-17 |
Luke 711 Kinabukasan, nangyari na siya ay pumunta sa isang lungsod na tinatawag na Nain, at sumama sa kaniya ang marami sa kaniyang mga alagad at ang lubhang maraming tao.12 Nang papalapit na siya sa pasukan ng lungsod, narito, may isang taong namatay na at binubuhat papalabas. Siya ay nag-iisang anak ng kaniyang ina na isang balo rin, at kasama niya ang napakaraming tao sa lungsod.13 At nang nakita siya ng Panginoon, siya ay nahabag sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Huwag kang tumangis.”14 Paglapit ni Jesus hinawakan niya ang kinalalagyan ng patay at ang mga nagbubuhat ay tumigil. Sinabi niya, “Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”15 At siya na namatay na ay umupo at nagsimulang magsalita. At siya ay ibinigay ni Jesus sa kaniyang ina.16 Ang lahat ay nagkaroon ng takot at niluwalhati nila ang Diyos, na sinasabi, “Isang dakilang propeta ang tumindig sa atin” sapagkat “dinalaw ng Diyos ang kaniyang bayan.”17 Ang salitang ito patungkol sa kaniya ay kumalat sa buong Judea at sa buong lupain sa palibot. | |








