Suuri paimen
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus Lammas Lampaat Lampaat mahusay Paimen tupa |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 107 Kaya muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ako ang pintuan ng mga tupa. 8 Ang lahat ng mga naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan subalit hindi sila dininig ng mga tupa. 9 Ako ang pintuan. Ang sinumang makakapasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya ay papasok at lalabas, at masusumpungan niya ang pastulan. 10 Ang magnanakaw ay hindi pumarito maliban na siya ay makapagnakaw, makapatay at makapaminsala. Ako ay pumarito upang magkaroon sila ng buhay at magkaroon sila ng lubos na kasaganaan. 11 “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay alang-alang sa mga tupa. 12 Ngunit ang upahang lingkod at hindi pastol na hindi nagmamay-ari ng mga tupa, kapag nakikita niya na dumarating ang lobo, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakbong palayo. Kaya, ang mga tupa ay sinisila at ikinakalat ng lobo. 13 Ang upahang lingkod ay tumatakbong palayo sapagkat siya ay upahang lingkod at hindi niya pinagmamalasakitan ang kalagayan ng mga tupa. 14 Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at nakikilala nila ako, 15 kung paanong ako ay kilala ng Ama at kilala ko ang Ama. Iniaalay ko ang aking buhay alang-alang sa mga tupa. 16 Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa kawan na ito at sila rin ay dapat kong akayin. Diringgin nila ang aking tinig at magiging isang kawan at isang pastol. 17 “Dahil dito, iniibig ako ng Ama sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito ay makuha kong muli. 18 Walang sinumang makakaagaw nito sa akin subalit iniaalay ko ito mula sa aking sarili. Mayroon akong kapamahalaang ialay ito at mayroon akong kapamahalaang kunin itong muli. Ito ang utos na tinanggap ko mula sa aking Ama.” |








