30 At sumagot si Jesus na sinabi, “May isang lalaking bumaba mula sa Jerusalem patungong Jerico at siya ay pinalibutan ng mga tulisan. Pagkatapos nila siyang hubaran at sugatan, sila ay umalis at iniwan siyang nag-aagaw buhay.31 At nagkataong may isang saserdote ang lumusong sa daang iyon at pagkakita sa kaniya, siya ay dumaan sa kabilang tabi.32 At gayundin naman, ang isang Levita ay napadako rin sa lugar na iyon. Nang siya ay dumating at kaniyang nakita, siya ay dumaan sa kabilang tabi.