16 At ginagawa niya ang lahat, ang mga hindi dakila at mga dakila, ang mayayaman at ang mga dukha, ang mga malaya at ang mga alipin na sila ay mabigyan niya ng tatak sa kanilang kanang kamay o sa kanilang mga noo17 at nang sa gayon, ang sinuman ay hindi makakabili o makakapagbili kung hindi niya tinataglay ang tatak o ang pangalan ng mabangis na hayop o ang bilang ng pangalan nito.18 Narito ang karunungan. Siya na may pang-unawa, bilangin niya ang bilang ng mabangis na hayop sapagkat ito ay bilang ng isang tao at ang bilang niya ay anim na raan at animnapu't anim.